MWSS officials kakasuhan dahil sa itinagong plano sa rate adjustments

Inquirer file photo

Binabalak ng Water for All Refund Movement (WARM) na maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa hindi pagsasapubliko ng detalye ng adjustment sa singil ng dalawang water concessionaire.

Ipinahayag ni WARM President Rodolfo Javellana Jr. na niluluto nila ang kasong paglabag sa Freedom of Information (FOI).

Ayon kay Javellana, humiling ng mga kopya ng rate adjuetment ng Maynilad at Manila Water ang WARM noong July 7, 2017 alinsunod sa FOI executive order.

Aniya, mahigit isang taon na ang kanilang request pero hindi pa rin ito natutugunan.

Iginiit ni Javellana karapatan ng publiko na malaman ang mga naging batayan ng water concessionaire para sa rate adjustments.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng publilc consultations ang MWSS ukol sa hirit ng Maynilad na P11 per cubic meter na dagdag-singil at P8.30 per cubic meter na hirit ng Manila Water.

Read more...