Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 810 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Tinatahak nito ang direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 12 kilometro kada oras.
Kung hindi magbabago ang bilis at tatahaking direskyon ng Bagyong Florita ay inaasahang lalabas na ito ng bansa sa araw ng Linggo.
Patungo ito sa mga isla ng Southern Japan at Korea at maliit ang tyansa na tumama sa anumang kalupaan ng bansa.
Bagaman, hindi tatama sa kalupaan ng bansa, sinabi ng PAGASA na pag-iibayuhin nito ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Extreme Northern Luzon.
Ang susunod na weather update para sa bagyo ay mamayang alas-4 ng umaga.