Pang. Duterte, inako ang responsibilidad sa “Samar misencounter”

Malacañang Photo

Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa misencounter sa Samar noong Lunes, na ikinamatay ng anim na pulis.

Sa kanyang speech sa Tacloban City, Leyte, sinabi ni Duterte na bilang Commander-in-Chief, ang “ultimate blame” ay sa kanya.

Aniya pa, kasalanan niya ang lahat ng nangyari.

Ayon kay Duterte, maraming istorya na hinabi mula sa insidente, pero kalimutan na lamang aniya ang nangyari tutal hindi naman ito sinasadya.

Sa kabila nito, hinimok ng punong ehekutibo ang mga sundalo na hintayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon.

Noong June 25, nagkaroon ng engkwentro ang mga sundalo sa isang armadong grupo sa isang liblib na lugar sa Samar.

Inakala ng mga sundalo na mga rebelde ang kanilang kabakbakan, pero kinalauna’y nabatid nila na ang mga iyon ay miyembro ng Philippine National Police na nagsasagawa rin ng operasyon sa lugar.

Ang mga nasawing pulis ay sina Wyndell Noromor, Edwin Ebrado, Phil Rey Mendigo, Julius Suarez, Rowell Reyes at Julie Escalo.

 

Read more...