Binigyan ng Supreme Court (SC) ang Pangulo ng 10 araw para magkomento sa pleading ni Ely Pamatong, isang dating nuisance candidate sa pagka-Presidente.
Ito ay kasunod ng SC ruling na ang mga impeachable officers, kabilang ang Pangulo, ay subject sa quo warranto action.
Inakusahan ni Pamatong ang Pangulo bilang isang illegitimate chief executive batay sa COC na anya’y hindi inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec).
Noong December 2015, tinanggap ng Comelec ang COC ni Duterte bilang substitute candidate kay anti-crime advocate at ngayo’y Interior Undersecretary Martin Diño.
Samantala, minaliit ng Malakanyang ang quo warranto case ni Pamatong laban sa Pangulo dahil wala umano itong “legal and factual merit.”