P2 million halaga ng “hashish” na isinilid sa lumang TV, nakumpiska ng PDEA, QCPD

 

Photo c/o PDEA

Pake-paketeng “hashish” o mataas na uri ng marijuana ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Quezon City Police District o QCPD.

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, isinilid sa loob ng isang lumang telebisyon ang mga hashish at ibiniyahe sakay sa isang bus mula Bontoc, Mt. Province.

Inabandona aniya ang TV unit sa Coda Bus Terminal sa E. Rodriguez Ave, Quezon City.

Ang mga kumpiskadong kontrabando ay may timbang na aabot sa 750 grams at nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso.

Sinabi ni Aquino na sa bagong modus ng mga sindikato, ginagamit ng mga ito ang provincial buses upang makapagbiyahe ng mga ilegal na droga.

Inaalam na ng PDEA ang grupo o mga personalidad na responsable sa kaso.

 

Read more...