Paliparan sa sa Bali isinara dahil sa ash fall

Isinara ang paliparan sa Bali, Indonesia kasunod ng pagsabog ng bulkan sa isla.

Dakong alas-3:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, walang operasyon ang Ngurah Rai airport matapos mamataan ang volcanic ash sa taas na 23,000 matapos ang pagsabog ng Mount Agung.

Mapanganib ito dahil posibleng pumasok sa makina ng eroplano ang abo at nagiging madulas ang runway dahil sa abo.

Ayon sa tagapgsalita ng paliparan na si Yanus Suprayogi, muli nilang susuriin ang planong pagbubukas ng paliparan mamayang alas-7:00 ng gabi.

Hindi bababa sa 48 flights ang kinansela at apektado nito ang 8,000 pasahero.

Sumabog ang Mount Agung sa Bali kahapon.

Read more...