Ayon kay Atty. Saidamen Balt Pangarungan, dating gobernador ng Lanao del Sur, kinakailangan kasi na matapos muna ang rehabilitasyon sa mga pampublikong imprastruktura. Aniya, hindi maaaring pagsabayin ang rehabilitasyon sa mga pribadong istruktura at sa mga pribadong istruktura.
Nilinaw ni Pangarungan na ang mandato ng Task Force Bangon Marawi ay para sa rehabilitasyon ng mga pampublikong istruktura, at hindi nila sakop ang rehabilitasyon ng mga pribadong pag-aari, gaya ng mga tirahan.
Samantala, sinabi ni Pangarungan na positibo ang pananaw ng mga liderato ng Senado at ng Kamara sa panukalang batas para pagbayaran ang mga pribadong ari-arian na winasak ng gyera o reparation.
Inaasahang 12,000 homeowners ang makikinabang sa P30 bilyon reparation.
Nakatakda sana sa unang Linggo ng Hulyo ang groundbreaking ceremony para sa rehabilitasyon ng Marawi City. Gayunman, ngayong linggo, inanunsyo ni Task Force Bangon Marawi chair Eduardo del Rosario ang diskwalipkasyon ng Bagong Marawi Consortium na tatayo sanang developer sa proyekto.