Bagyong Florita lumakas pa, isa nang tropical storm – PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Florita at ngayon ay isa nang tropical storm ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa 860 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwest sa bilis na 11 kilometers bawat oras.

Bagaman hindi inaasahang tatama sa kalupaan, palalakasin ng bagyo ang habagat na maghahatid ng pag-ulan sa extreme Northern Luzon ngayong weekend.

Inaasahang lalabas ito ng bansa sa Linggo ng umaga.

Read more...