Faulty electrical wiring ang naging dahilan ng sunog sa SM Megamall.
Ayon sa preliminary report ng Mandaluyong City police, nagsimula ang sunog alas 7:12 ng gabi ng Huwebes at naapula ala 1:30 ng madaling araw ng Biyernes.
Sa isang construction site sa likod ng mall nagmula ang apoy na umabot sa ikatlong alarma.
Sinabi ni Mandaluyong City deputy fire marshall, Chief Insp. Anthony Villena, sa kanilang inisyal na pagsisiyasat faulty electrical wiring ang dahilan kaya sumiklab ang sunog.
Sa kabila nito sinabi ni Villena na magpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES