Nilinaw ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na hindi pa ibinabasura ang usapang pangkapayapaan nito sa gobyerno.
Ipinahayag ni Sison na tanging ang National Democratic Front of the Philippines lamang ang may maaaring magsuspinde, kansela o magbasura sa usapang pangkapayapaan.
Aniya, hindi pa ito ibinabasura ng komunistang grupo.
Sinabi ni Sison na ito ang kanyang payo sa NDFP bilang chief political consultant nito.
Naniniwala rin si Sison na walang interes si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-ayos sa komunistang grupo dahil nais lamang umano nito na gamitin ang pagpapabagsak sa CPP-New People’s Army para maging diktador.
Ipinahayag ni Sison na mas mabuti pang maghanda ang komunistang grupo na pabagsakin si Duterte at maghanda para sa susunod usapang pangkapayapaan sa susunod na administrasyon.
Nakatakda sana ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa June 28 ngunit ipinagpaliban ito dahil ayon sa pangulo, kailangan niya pa ng panahon para sa mas maraming konsultasyon bago ipagpatuloy ito.