Thunderstorm advisory nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan nito sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na abiso, alas 7:12 ng umaga, sinabi ng PAGASA na malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang iiral sa Rizal, Cavite, Zambales, Bataan sa susunod na dalawang oras.

Ang ganitong sitwasyon ng panahon ay nararanasan na sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela at sa mga bayan ng Obando, Meycauayan, Marilao, Bulakan at Bocaue sa Bulacan.

Ang mga residente sa mga apektadong lugar ay pinapayuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

Read more...