Brgy. treasurer sa Maynila huli ng I-ACT sa pagmomotorsiklo ng walang helmet

I-ACT Photo

Huli ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic ang isang opisyal ng barangay sa Maynila dahil sa pagmomotorsiklo ng walang helment.

Pinara ang motorsiklo ng hindi pinangalanang barangay treasurer sa lungsod ng mga tauhan ng I-ACT na nagsasagawa ng operasyon sa lugar.

Ayon sa I-ACT, maliban sa walang suot na helmet, gumagamit pa ng commemorative plate ang opisyal na may nakasulat na “CHAIRMAN”.

Agad itong pinatanggal at kinumpiska ng I-ACT.

Araw-araw ang ginagawang operasyong I-ACT sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bilang pagpapatupad ng kanilang Task Force Kamao at mas pinaigting na operasyon laban sa mga kolorum.

Read more...