Mahigit 100 katao huli sa paglabag sa ordinansa sa GenSan

FILE PHOTO

Mahigit isang daang katao ang pinagdadampot sa General Santos City dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa.

Kabilang sa mga nadakip ang mga menor de edad na nasa kalsada dis oras ng gabi.

Ang Police Regional Office 12 ang nagkasa ng “Oplan Mapayapang Sambayanan” kung saan ipinakalat ang nasa 256 na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion na nagsagawa ng foot patrol, checkpoint, at rescue operation sa magdamag.

Kasamang nahuli ang mga nagmamaneho ng lasing, umiinom sa mga ipinagbabawal na lugar, at lumabag sa smoking ban.

Ayon kay Supt. Maximo Sebastian Jr., pinuno ng Regional Mobile Force Battalion, magpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang Hulyo 4.

Plano ding gawin ang nasabing operasyon sa ibang lugar sa Soccsksargen, kabilang ang Koronadal City, Tacurong City, at Kidapawan City.

 

Read more...