P2M halaga ng party drugs nasabat sa Maynila

Radyo Inquirer File Photo

Aabot sa P2 milyon halaga ng party drugs ang nasabat ng mga otoridad sa magkasindahan sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila.

Ikinasa ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) Drug Enforcement Unit ang buy bust sa using apartment sa Sta. Cruz.

Ayon kay Chief Supt. Greg Lim, acting district director ng NPD target nila sa operasyon ang lalaking suspek pero dinatnan din nila sa lugar ang kasintahan nito.

Nakuha sa dalawa ang mga hinihinalang cocaine, ecstasy, at marijuana.

Inaalam na ngayon ng mga pulis kung sino ang supplier nito. Pawang mahihilig umano sa party sa mga bar ang parokyano ng dalawa.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...