Sa pagtaya ng PAGASA kaninang alas-3 ng madaling araw, namataan ang bagyo sa layong 946 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 na kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras.
Tatahak ito pa-Silangan ng Taiwan at Timog ng Japan at hindi tatama sa anumang kalupaan ng bansa.
Hahatakin nito ang Habagat na posibleng magpa-ulan sa dulong Hilagang Luzon ngayong weekend.
Gayunman, ngayong araw patuloy na makararanas ng maalinsangang panahon ang buong bansa dahil wala pang direktang epekto ang bagyo.
Ang susunod na update ay ilalabas ng PAGASA mamayang alas-11 ng umaga.