Piso muling bumagsak kontra dolyar; pinakamababa sa loob ng 12 taon

Muling bumulusok ang piso kontra dolyar sa pinakamababa nitong halaga sa loob ng 12 taon.

Humina pa ng apat na sentimo ang piso sa P53.515 kontra dolyar mula sa P53.475 noong Miyerkules.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso matapos ang P53.550 kontra dolyar na naitala noong June 29, 2006.

Ayon kay BDO Capital and Investment Corporation President Ed Francisco, ang paghina ng piso ay bunsod ng trade wars partikular ng United States at China na nakakaapekto din sa Philippine Market.

Maari pang umabot sa P54 pesos ang palitan sakaling magpatuloy ang tensyon sa kalakalan ayon kay Francisco.

Read more...