3 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Naaktuhan sa kalagitnaan ng pot session ang tatlong kalalakihan sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Armando Calixtro, Clint Dave Sumatra, at Admer Lagumbay.

Ayon sa mga otoridad, sa loob ng isang car wash sa panulukan ng E. Rodriguez Sr. Avenue at Poinsettia Street naaktuhan at naaresto ang tatlo.

Narekober mula sa mga ito ang isang sachet ng shabu at iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...