Sunog sa bahagi ng ginagawang gusali sa SM Megamall naapula na

MMDA Photo

Idineklara nang fireout ang sunog na sumiklab sa isang itinatayong gusali sa SM Megamall sa Mandaluyong City kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

Maswerteng walang naitalang nasugatan o anumang casualties ang nasabing pagliliyab.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-7:30 ng gabi.

Dahil sa sunog ay pansamantalang isinara ang EDSA-Shaw service road northbound upang magbigay-daan sa mga truck ng bumbero at ambulansya.

Nakapasok sa loob ng main mall ng SM Megamall ang makapal na usok.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng pagliliyab.

Read more...