Duterte nagbantang babawiin ang deputation ng mayors mula sa NAPOLCOM

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin niya ang deputation ng mga mayor mula sa National Police Commission (NAPOLCOM) para sa kanilang superbisyon at kontrol sa lokal PNP.

Ayon sa pangulo, gagawin niya lamang ito sa mga mayor na mayroong mataas na antas ng kriminalidad at operasyon ng iligal na droga.

Oras aniya na matanggalan na ng deputation ang mga mayor, magiging sibilyan na lamang sila at wala nang kontrol sa mga pulis.

Paliwanag pa ng pangulo, maraming vice mayor ang naghihinaty na maupong mayor.

Read more...