Truck driver nalibing nang buhay sa graba

Nailibing nang buhay sa graba ang isang driver ng trak matapos maaksidente sa Bataan.

Minamaneho ni Mark Ferdie Calulang ang trailer truck mula sa Sea Front Corp. sa Mariveles alas-4:30 ng umaga ng Huwebes.

Nakatulog si Calulang dahilan para sumalpok ito sa isang puno sa Barangay Mabatang.

Tumilapon si Calulang at nalibing sa grabang bumuhos mula sa truck.

Sinubukang sagipin ng mga otoridad ang driver pero patay na ito nang mahukay.

Read more...