Bahagi ng SM Megamall, nasusunog

 

Photo from Fire Alert Metro Manila

UPDATE (as of 11:39PM): Kasalukuyan pa ring nasusunog ang isang bahagi ng SM Megamall.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, ang building na under construction ang tinutupok ng apoy.

Nagsimula ito dakong 7:30 ng gabi, at ngayon nasa ikatlong alarma.

Alas-11:27 ng gabi nang ideklara ng Mandaluyong BFP na kontrolado na ang sunog sa ginagawang Building B ng nasabing shopping mall.

Ayon sa ilang naroroon sa SM Megamall, makapal na ang usok doon.

Ayon sa mga otoridad, napasok na ng fire rescue personnel ang bahagi ng nasusunog na gusali at sa ngayon ay wala pa silang naitatalang nasugatan o anumang casualties.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Hinimok naman ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na iwasan nang dumaan sa lugar, upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Sa statement naman ng pamunuan ng SM Megamall, ang sunog ay sa construction site sa labas ng mall.

Tiniyak din ng management ang kaligtasan ng lahat ng mga taong nasa loob ng mall.

 

Read more...