Sa dalawang pahinang liham ni Catalan kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hiniling nito sa kalihim na ma-relieved na siya sa pagiging acting prosecutor general ng National Prosecution Service o NPS.
Bukod sa pagiging acting PG simula noong June 22, 2017, si Catalan ay umaakto ring City Prosecutor ngayon ng Makati.
Paliwanag ni Catalan, hindi niya maaring ikompromiso o isakripisyo ang kanyang trabaho at ang pagiging produktibo sa pagpapatakbo ng sabay sa dalawang magkahiwalay na opisina.
Nagpasalamat si Catalan sa pribilehiyo na makapagserbisyo bilang acting PG ng NPS.
Nais ni Catalan na ma-relieved sa pagiging acting PG simula bukas June 29.
Ipinauubaya na din nito kay Sec. Guevarra ang pagtatalaga ng hahalili sa kanyang iiwang pwesto.