Lady traffic constable nasagasaan ng armoured car sa EDSA

Sugatan ang isang lady traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang masagasaan ng isang armoured car sa Quezon City.

Naganap ang insidente sa sa EDSA-Cubao Northbound pasado alas 10:00 ng umaga.

Ginagamot ngayon sa East Avenue Medica Center si Traffic Constable III Maricel Gammad.

Ayon sa kapwa niya lady enforcer, nakita niya nang mahagip si Gammad ng armoured car.

Ang van ay minamaneho ni Dennis Ellaraiz base sa nakuhang drivers’ license sa kaniya.

 

Read more...