Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Acosta, katunayan may mga napuntahan na aniya ang PAO na mga nahuling tambay na walang kapera-pera at walang maipambayad na piyansa kahit ang halaga ay P200 lang hanggang P500.
Kwento ni Acosta, sa Pasay City, mayroong apat na katao na pitong araw nang nakakulong, isa sa kanila ay dinampot dahil sa pagiging illegal barker, ang isa ay walang suot na pang-itaas at ang dalawa ay nag-iiinom sa kalye
Naniniwala din si Acosta na dapat rebisahin ng mga lungsod sa Metro Manila ang kani-kanilang mga ordinansa.
Aniya ang mga simpleng paglabag lamang naman ay dapat hindi na dinadala sa istasyon ng pulisya at hindi na dapat nauuwi sa pagsasampa ng reklamo sa piskalya.
Mas mabuti ayon kay Acosta na idaan na lang sa baranggay at doon pagsabihan.