Samsung Galaxy Note 9 ilalabas na sa Agosto

Inanunsyo na ng kumpanyang Samsung ang petsa ng pagre-release ng bagong Samsung Galaxy Note nito.

Sa kanilang post sa twitter, sinabi ng Samsung na sa August 9 ay pormal nilang ilulunsad ang Samsung Galaxy Note 9.

May patikim din ang Samsung sa magiging feature ng bagong cellophone dahil sa kanilang anunsyo sa twitter ipinakita ang isang S-Pen stylus.

Ang nasabing bagong cellphone unit ng Samsung ang kasunod sa inilunsad na Galaxy Note 8 noong 2017 at Galaxy S9 at S9+ noon lamang Marso.

Base sa impormasyon mas maganda ang camera performance ng ilalabas na bagong unit.

Read more...