DILG sinimulan na ang pag-audit sa kampanya kontra krimen at droga ng LGUs

Nirerebisa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ginagawang kampaniya kontra krimen at droga ng mga lokal na opisyal.

Ayon kay Acting Interior Sec. Eduardo Año ito ay bunsod nang paghihimutok ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa crime rate sa bansa, gayundin ang malamyang pagharap ng ilang lokal na opisyal sa isyu sa krimen.

Sinabi pa nito na iniipon na nila ang mga reklamo ng taumbayan laban sa mga gobernador, mayor at punong barangay para sa isinasagawa nilang performance audit.

Dagdag pa ni Año magpapasaklolo sila sa Commission on Audit para alamin kung paano ginagamit ng mga lokal na opisyal ang kanilang intelligence funds.

Nabanggit pa ng opisyal na binalaan na rin niya ang mga mayor na mahaharap sila sa suspensyon kapag hindi sila nakikita tuwing may kalamidad.

Una nang naghimutok si Pangulong Duterte at sinabi niya na pakiramdam niya ay wala siyang silbi dahil sa mataas na crime rate at hinikayat pa niya ang mga lokal na opisyal na sabayan na siya sa pagbibitiw sa puwesto.

 

Read more...