Sa datos ng mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, sa 18,763 na mga pinagdadampot, 240 na lamang ang nananatiling nasa kostodiya ng pulis.
Hindi rin lahat ng naarestong 18,000 ay ikinulong, katunayan ayon kay Eleazar, nasa 9,308 sa mga ito ay winarningan lang, 5,904 naman ang pinagmulta at 3,525 ang kinasuhan.
Karamihan sa kanila ay lumabag sa umiiral na smoking ban na umabot sa 4,679; marami ring naitalang menor de edad na lumabag sa curfew na umabot sa 3,756; habang ang mga nahuling nag-iinuman sa kalye ay 3,323; at nasa 2,815 ang hinuli dahil walang damit na pang-itaas.
Ang EPD ang nakapagtala ng may pinakamaraming huli sa paglabag sa local ordinances na umabot sa 6,806; sinundan ng SPD – 4,635; ikatlo ang QCPD – 3,306; pang-apat ang NPD na may huling 2,033 at panglima ang MPD – 1,978.