Sakay ang biktimang si Bruce William Yamido ng isang habal-habal nang mangyari ang pamamaril.
Ayon kay Marielle Sabroso, amo ng biktima, kagagaling lang ni Yamido sa Talomo Police Station dahil isinailalim siya sa imbestigasyon matapos madawi sa kasong pagnanakaw ng mga alahas sa loob ng isang bahay sa Ecoland Subdivision.
Si Yamido umano ang itinuro ng nahuling menor de edad na siyang mastermind umano sa pagnanakaw.
Nagtamo ng tama ng bala sa leeg, balikat, at dibdib si Yamido na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Maliban sa kasong pagnanakaw, nasangkot na din umano sa riot ang biktima.
MOST READ
LATEST STORIES