Sa 4am weather forecast ng PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,095 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.
Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahang kikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran at posibleng magpalakas sa habagat na makakaapekto sa dulong Hilagang Luzon.
Hindi inaasahang magiging ganap na bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 oras.
Gayunman, pinapayuhan ang lahat na antabayanan ang updates ng PAGASA tungkol sa nasabing LPA.
Ngayong araw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan ng bansa o ‘generally fair weather’ na may posibilidad lamang ng pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.