Naninindigan ang Palasyo ng Malacañan na hindi magbibigay ng public apology si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna nang pahayag niyo na estupido ang panginoon.
Pahayag ito ng Palasyo matapos igiit ni Jesus is Lord Movement Founder Brother Eddie Villanueva na dapat na mag-sorry ang pangulo dahil sa pagkutya sa Panginoon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi siya sang-ayon sa naging panawagan ni Bro. Eddie dahil ang kanyang kinikilalang Diyos umano ay hindi magde-demand ng public apology o paumanhin.
Igniit pa ni Roque, sa pagkakaalam niya maunawain ang kanyang Diyos at hindi nagdedemand ng public apology at tanging hangad ay paghilom ng lahat sugat.
MOST READ
LATEST STORIES