Sinabi ni Senador Ping Lacson na hindi madaling matutupad ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga barangay officials para makatulong sila sa paglaban sa krimen.
Ayon kay Lacson hindi simple ang gusto ng pangulo at aniya may batas at proseso na kailangan sundin.
Tanong pa ng senador sino ang bibili ang mga ibibigay na baril at kung ang gobyerno ang babalikat ng gastos ay dapat ipaloob ito sa national budget.
Kailangan din aniya kumuha ng lisensiya at permit to carry ang mga barangay officials at sasailalim din sila sa neuro-psychiatric test at seminar sa tamang paggamit at pag-iingat ng baril.
Giit ni Lacson hindi dapat magkaroon ng pagkakaiba sa pagdaan sa proseso ng mga opisyal sa mga sibilyan na kumukuha din ng mga dokumento para sa kanilang baril.