Simbahang Katolika posibleng magamit sa destablization ng Duterte admin

Hindi isinasantabi ng isang opisyal ng gobyerno ang posibilidad na pwedeng magamit ang Simbahang Katolika para pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pastor Boy Saycon na posible itong mangyari dahil mayroong mga radikal na mga miyembro ang Simbahang Katolika.

Si Saycon ay kabilang sa komite na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikipagdayalogo sa mga religious groups.

Pero naniniwala naman si Saycon na hindi nakikialam ang pamunuan ng Simbahan sa anumang destabilization plot.

Ayon kay Saycon, hindi direktang galing sa Simbahang Katolika ang posibleng bantang patalsikin si Pangulong Duterte kundi sa mga organisasyon na konektado sa mga dayuhang grupo na may sariling interes.

Naniniwala si Saycon na ang destabilization efforts laban sa pangulo ay dahil sa ayaw nitong pinakikialaman siya ng mga dayuhan partikular ang mga amerikano.

Read more...