Surigao del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Surigao del Norte alas-2:31 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometro Kanluran ng Surigao City.

May lalim ang pagyanig na 30 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa ari-arian at mga kasunod pang pagyanig.

Read more...