Bagyong Lando, humina na, magiging LPA na lang bago lumabas ng PAR

oct 20 lando 11Bago lumabas ng bansa ay malaki ang posibilidad na maging isang Low Pressure Area na lamang ang bagyong Lando.

Ayon sa PAGASA, sa kanilang 11am update, lalo pang humina ang bagyo at isa na lamang tropical storm, at inaasahang hihina pa sa mga susunod na oras.

Ang bagyong Lando ay huling namataan sa 125 kilometers West ng Calayan, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras.

Lalo pang bumagal ang kilos ng bagyong Lando at ngayon at 4 kilometers kada oras na lamang ang galaw sa direksyong Northeast.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Batanes at Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.

Signal number 1 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Isabela at nalalabing bahagi ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA, sa Linggo ng umaga ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Read more...