Pimentel: Mga big-time drug lords ang dapat gawing target ng gobyerno

Inquirer file photo

Panahon na ayon kay Senator Koko Pimentel na ilipat na ang focus ng kampanya kontra droga sa mga drug lords, drug manufacturers at drug traffickers.

Sinabi ni Pimentel na dapat ay maging all-out war sa mga tinaguriang ‘big fish’ sa industriya ng droga ang ideklara ng pamahalaan.

Katuwiran nito ang mga drug lords naman ang ugat ng pagkalat ng droga sa bansa kaya’t dapat ay sila na ang puntiryahin at isabay na lang ang mga small time drug pushers maging ang drug users.

Aniya targetin na rin ang mga sindikato ng droga.

Dagdag pa ni Pimentel ang pangarap naman ng bawat isa ay gawing drug-free ang Pilipinas at ang tamang gawin ay magdeklara ng giyera laban sa mga gumagawa at supplier ng droga.

Read more...