Si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla ang “highest-paid” na national government agency official noong 2017.
Ito ang lumabas sa report ng Commission on Audit o COA.
Noong nakalipas na taon, umabot sa P14,920.912.77 ang kabuuang sweldo at allowances na natanggap ni Espenilla.
Pumangalawa naman si BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na may P13,502,196.88; at pangatlo si Cecillia Borromeo ng Development Bank of the Philippines na may P12,462,714.83.
Pang-apat si Solicitor General Jose Calida na mayroong P10,917,156.49.
Dahil dito, siya ang kauna-unahang SolGen na nakapasok sa Top 10, mula noong 2009.
Ang iba pang opisyal na nasa Top 10 na may highest cumulative pay noong 2017 ay sina:
5. Maria Almasara Amador (BSP) – P10,157,609.94
6. Presbitero Velasco (Supreme Court) – P9,589,126.00
7. Wilhelmina Mañalac (BSP) -P9,277,822.06
8.Ma. Romana Santiago (BSP) – P9,239,718.68
9.Felipe Medalla (BSP) – P8,869,381.79
10. Juan De Zuñiga (BSP) – P8,868,242.26
Nasa listahan din si dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na nasa ika-24 na pwesto at may kabuuang P6,487,360.00 na sweldo at allowances noong nakalipas na taon.