Mga pulis na napatay sa misencounter dinalaw ng mga opisyal ng AFP at PNP

PNP photo

Binisita ng mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang lamay anim na pulis na nasawi sa misencounter sa Samar kamakalawa.

Personal na nakiramay sina AFP Chief of Staff  Gen. Carlito Galvez Jr. at PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa mga naulila ng mga pulis.

Nagpaabot ang dalawang opisyal ng pinansyal na tulong sa pamilya ng mga nasawing tauhan ng PNP.

Binisita rin ni Albayalde ang mga sugatang pulis at ginawaran sila ng medalya bilang pagkilala.

Tiniyak nina Galvez at Albayalde na malaliman ang isinasagwang imbestigasyon ng AFP at PNP sa insidente.

Nauna dito ay napatay ng mga tauhan ng militar ang mga pulis sa bulubunduking bahagi ng Sta. Rita, Samar.

Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na inakala ng mga sundalo na mga miyembro ng New People’s Army ang kanilang mga nakasagupa.

Sinasabi rin sa mga ulat na walang koordinasyon sa hanay ng PNP at AFP sa lugar kaya nauwi sa misencounter ang paghaharap ng dalawang grupo.

Read more...