Duterte imbitado sa Pope’s Day Celebration sa Maynila

Inimbitahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa Pope’s Day celebration sa Biyernes sa Papal Nunciature Residence sa Taft Avenue sa Maynila.

Ito ang ibinunyag ni Pastor Boy Saycon, miyembro ng binuong three-man committee matapos ang dayalogo sa Philippine Council of Evangelical Churches sa Pasig City.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa niya mabatid kung makadadalo ang pangulo Biyernes.

Depende pa kasi aniya ito sa schedule ng pangulo.

Sa ngayon sinabi ni Roque na ibinigay na ang imbitasyon ng Papal Nucio sa Department of Foreign Affairs.

Hindi rin mabatid ni Roque kung hihilingin ng pangulo na maging kinatawan niya sa okasyon sina saycon at Foregin Affairs Usec. Ernesto Abella.

Sina Roque, Abella at Saycon ang bumubuo sa komite na binuo ng Malacañang para makipag-dayalogo sa mga opisyal ng simbahan.

Samantala, bukod sa imbitasyon ng Papal Nuncio sa pangulo, sinabi ni Saycon na magkakaroon din aniya ng inisyal na pakikipag usap ang kanilang hanay sa mga obispo bukas sa CBCP Headquarters sa Intramuros, Maynila.

Aminado si Saycon na kakain ng oras para sa kanilang hanay na matipon ang lahat ng mga obispo mula sa Nueva Caceres, hanggang sa Nueva Segovia, Davao at iba pang bahagi ng bansa.

Magkakaroon ng enclave ang mga obispo sa Tagaytay City ngayong weekend habang nakatakda naman sa July 7 hanggang 9 ang CBCP plenary assembly sa Pope Pius Center sa Maynila.

Read more...