Sa desisyon ng Ombudsman, kabilang sa mga tanggal sa pwesto ay sina SSC President Abdurasa Sariol Arasid; Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson Hja Ferwina Jikiri Amilhamja; at BAC members Anang Agang Hawang, Nenita Aguil at Audie Janea matapos na makitang guilty sa grave misconduct.
Maliban sa dismissal, diskwalipikado na sila sa public office, wala na silang matatanggap na retirement benefits, bawal nang kumuha ng civil service examination at kanselado na ang civil service eligibility.
Samantala, sinabi ng Ombudsman na may probable cause para kasuhan ang mga nabanggit na respondents at si BAC member Joseph Pescadera dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sa imbestigasyon ng anti-graft body, noong May 30, 2011 ay pumasok sa isang kontrata ang SSC sa State Alliance Enterprises Inc. para sa pagbili ng equipment para sa kanilang physics, computer engineering, at agriculture laboratories.
Subalit sa pagsisiyasat ng Commission on Audit o COA, nadiskubreng may mga iregularidad sa procurement process.