Aminado ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na hindi nila kakayaning pagkasyahin sa kanilang mga paslilidad ang mga mahuhuling batang palaboy.
Sinabi ni DSWD acting Secretary Virginia Orogo na nasa 72 centers lamang mayroon ang DSWD sa kabuuan ng Metro Manila.
Sa ngayon aniya ay ipinaaayos nila ang ilan sa mga ito at pinadaragdagan pa nila ng tig-limampu ang mga higaan kada center.
Ayon kay Orogo, inaasahan na ng kanilang hanay na mapupuno ang kanilang mga pasilidad matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiigtingin na ng pamahalaan ang kampanya kontra sa mga batang palaboy.
Magkagayunman, tiniyak ni Orogo na agad nilang ipo- proseso ang mga batang dadalhin sa kanila ng mga pulis at mga opisyal ng barangay.