Thunderstorm advisory nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nakaranas na naman ng malakas na buhos ng ulang ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa thundertorm.

Batay sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 12:15 ng tanghali, malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang naranasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Rizal, batangas at Quezon.

Dalawang oras ang pag-iral ng nasabing lagay ng panahon.

Habang nararanasan din ang malakas na buhos ng ulan sa General Trias at Naic sa Cavite; Dona Remedios Trinidad sa Bulacan; at sa mga bayan ng Luisiana, Pagsanjan, Lumban at Majayjay sa Laguna.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga sa residente sa apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha.

Read more...