Gov’t spending sa infra projects tumaas ayon sa DBM

DBM Photo

Tumaas sa 26 percent ang government spending sa imprastraktura para sa buwan ng Mayo sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng pamahlaaan.

Sa datos na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM), ang paggasta ng gobyerno para sa mga infrastructure development ay umabot na sa P58.1 billion noong nakaraang buwan, mas mataas ito ng 26 percent kumpara sa P46.2 billion noong nakaraang taon.

Ayon kay Secretary Benjamin Diokno, mangangahulugan ito ng mas marami pang trabaho para sa mga Pinoy, mas maayos na standard ng pamumuhay at makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Hindi naman na nagkomento si Diokno sa naging pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa aniya ay mabagal na implementasyon ng mga infrastructure programs sa bansa kaya naaapektuhan ang ekonomiya.

Hinimok din ni Diokno ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na bigyang update si Pangulong Duterte hinggil sa estado ng mga proyektong pang-imprastraktura.

Read more...