Multi-awarded na pulis sa Bohol patay sa anti-illegal drug operations

Napatay sa operasyon ng mga otoridad ang multi-awarded at kontrobersyal na pulis na si SPO1 Adonis Dumpit sa Bohol.

Ikinasa ng National Bureau of Investigation at ng Regional Intelligence Division sa ang operasyon laban kay Dumpit.

Sinabi ng NBI na protektor ng iligal na droga at isang high-level na tulak ng droga ang pulis.

Ayon sa NBI, ihahatid sana ni Dumpit ang ilang “stocks” mula Tagbilaran City.

Nakaengkwentro niya ang mga otoridad sa Dagohoy Circumferential Road pagsapit sa Barangay San Isidro.

Dito na napatay si Dumpit dakong 8:15 ng umaga ng Miyerkules, June 27.

Nakumpiska sa pulis ang 15 sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...