Duterte sa mga dayuhan sa bansa: Shut up!

Shut up!

Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Suterte sa mga dayuhan na nasa Pilipinas.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong halal na Barangay Captain sa Molave, Zamboanga Del Zur, sinabi nito na walang karapatan ang mga dayuhan na batikusin ang kanyang administrasyon.

Hindi aniya kasama sa mga prebilihiyo ng mga dayuhan ang makisawsaw sa pulitika.

Paliwanag ng pangulo, hindi ang mga dayuhan ang nagpapasweldo sa kaniya kundi ang mga Filipino lamang.

Dagdag ng pangulo, tanggap niya na batikusin, murahin ng mga Filipino basta’t huwag lang ng mga dayuhan.

Matatandaang makailang beses na binatikos ng pangulo ang Australian Missionary na si Sister Patricia Fox dahil sa pagsali sa mga political rally sa Pilipinas.

Read more...