Pilipinas pang-52 sa 136 na mga bansa sa Military Strength Ranking

Nasa ika-52 pwesto ang Pilipinas mula sa 136 na mga bansa sa 2018 Military Strength Ranking.

Ang ranking ay ginawa ng Global Firepower at ikinunsidera ang mahigit 55 individual factors para matukoy ang kakayahan ng militar ng isang bansa.

Ikinunsidera sa ranking ang bilang ng available manpower ng mga bansa, gayundin ang financial stability.

Nilinaw naman ng Global Firepower na hindi lang sila sa dami ng available na armas nag-base.

Sa pagiging number 52 ng Pilipinas, nakasaad na ang bansa ay mayroong 498,250 na total military personnel, 172,500 dito ang active personnel at 325,750 ang reserve personnel.

Nakasaad din na sa 158 na total aicraft strength ng Pilipinas, 20 dito ay attrack aircraft, 85 ang transport aircraft, 24 ang trainer aircraft at 91 ang helicopter strength. Habang wala namang fighter at helicopter aircrafts ang bansa.

Nasa number 1 spot sa Military Strength Ranking ang Estados Unidos at sumusunod lang ang Russia, China, India, France, UK, South Korea, Japan, Turkey at Germany.

Read more...