LPA, namataan sa loob ng bansa

Namataan ng PAGASA ang isang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa layong 190 kilometro, Kanluran ng Clark, Pampanga.

Ayon sa 4am update ng weather bureau, nagdadala ng pag-ulan ang sama ng panahon sa Mindoro at Palawan sa kasalukuyan.

Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang inaasahan sa Mindoro at Palawan dahil sa trough ng LPA.

Hindi inaasahan o mababa ang tyansa na maging bagyo ang naturang LPA ayon sa PAGASA.

Sa Maynila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay inaasahan ang magandang panahon maliban sa mga pag-ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Maaliwalas na panahon din ang inaasahan sa buong Visayas at Mindanao bagaman posible ang pag-ulan dulat ng localized thunderstorms.

 

Read more...