Pag-aaral ng Ateneo at La Salle na mahihirap lang ang napapatay sa drug war minaliit ng Malacañan

INQUIRER File Photo

Kinukwestyon ng Palasyo ng Malacañan ang resulta ng pag-aaral ng Ateneo de Manila at De La Salle University (DLSU) na tanging ang mga mahihirap at walang trabaho lamang ang napapatay sa anti-drug operations na ikinasa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat kasi ay inalam ng dalawang unibersidad kung totoong sa drug war napapatay ang mga mahihirap.

Binabatikos din ni Roque ang resulta dahil umasa lamang ang dalawang unibersidad sa ulat ng media.

Hindi rin aniya inimbestigahan isa-isa ng mga dalubhasa ang mga kaso ng pagpatay sa mga mahihirap, bagkus basta na lamang aniya nila ito tinanggap.

Giit ng Palace Spokesperson, dapat na mas pinag-ibayo pa ng mga eksperto ng dalawang unibersidad ang kanilang pagsasaliksik upang malaman kung may iba pang mas malalim na dahilan ng kanilang kamatayan.

Read more...