Pangulong Duterte hindi mababawasan ng mga Katolikong taga suporta ayon sa Palasyo

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malacañan na hindi mawawalan ng mga Katolikong taga-suporta si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na sunod-sunod ang banat ng pangulo sa Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, noon pa mang panahon ng eleksyon, minura na ng pangulo si Pope Francis nang bumisita sa bansa dahil sa trapik na idinulot noon.

Pero tinanggap pa rin ng taumbayan ang pangulo at katunayan ay ibinoto pa para maging presidente.

Sinabi pa ni Roque na tanggap ng taumbayan na hindi isang plastik na tao si Pangulong Duterte.

“I don’t think so, kasi noong eleksiyon pa lang naman, nalaman ko—kung naalala ninyo, meron siyang maanghang na salita na sinabi doon kay Santo Papa dahil sa trapik ‘no at tanggap naman siya ng taumbayan for who he is. Iyan naman po siguro ang gusto ng sambayanang Pilipino, wag ka lang plastic, puwede kang tanggapin,” ayon kay Roque.

Read more...