Ayon kay Andanar, tulad ng nangyari sa Philippine News Agency (PNA), hindi niya pa matiyak ngayon kung may mapaparusahan at kung may kusang magri-resign dahil wala pa namang resulta ang isinasagawang imbestigasyon.
Ayon kay Andanar, gusto niyang maging patas sa lahat ang proseso ng imbestigasyon para matukoy kung saan talaga ang pagkakamali.
Tumanggi namang tukuyin ni Andanar kung sinadya ba talaga ang pagkakamali para siya ay mapahiya o sadyang honest mistake lamang na nangyayari din maging sa mga malalaking news networks.