Pangulo ng France binisita si Pope Francis

AP Photo

Dinalaw ni French President Emmanuel Macron si Pope Francis sa Vatican City kahapon.

Ito ay upang pag-usapan ang nagaganap na tensyon sa Europa dahil sa mga migrant na nagtutungo sa kanilang rehiyon dahil sa kaguluhang nangyayari sa Syria at iba pang karatig-bansa.

Napahaba ang pag-uusap ng dalawa sa library ni Pope Francis sa Apostolic Palace na dapat ay hanggang 45 minuto lamang ngunit umabot ito ng 57 minuto.

Sa pagbisita ni Macron ay binigyan siya ng Santo Papa ng isang medalya kung saan makikita ang imahe ni St. Martin of Tours na nagbigay ng kanyang balabal sa isang mahirap na lalaki.

Binigyan rin ni Pope Francis si Macron ng kopya ng librong “The Diary of a Country Priest” na isinulat ni Georges Bernanos. Ito ay patungkol sa isang paring Pranses na natutong maging mapagkumbaba sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mananampalataya.

Kamakailan ay hinimok ng Santo Papa ang iba’t ibang nasyon na tumanggap ng mga refugees.

Read more...